π—žπ—”π—žπ—”π—¬π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π— π—šπ—” π—¦π—ž π—’π—™π—™π—œπ—–π—œπ—”π—Ÿπ—¦, 𝗛𝗨π—ͺπ—”π—š π— π—”π—Ÿπ—œπ—œπ—§π—œπ—‘ – π—šπ—’π—©. 𝗠𝗔𝗠𝗕𝗔

Nagpaalala ang Gobernador ng Lalawigan ng Cagayan na si Manuel Mamba sa ibang mga pulitiko na huwag maliitin ang kakayahan ng mga SK Officials.

Inihayag ito ni Gov. Mamba kaugnay sa kumakalat na balitang mayroon umanong namimigay ng pera sa lalawigan upang kontrolin ang malayang pagpili ng mga SK chairman at punong barangay na iluluklok na SK Federation President at Association of Barangay Council (ABC) President.

Dagdag pa ni Gov. Mamba, ang mga SK Officials sa panahon ngayon ay mga young professionals kaya huwag silang maliitin na mapapasunod sila ng pera.

Aniya, huwag silang tratuhin na para bang mga β€œbagoong” na binibili lang. Naniniwala aniya siya na nararapat lamang na bigyan sila ng respeto at dignidad.

Maigi aniya na turuan ang mga kabataan ng magandang asal, gawi, at tamang pagseserbisyo.

Kaugnay nito, patuloy pa ring hinihikayat ng Gobernador ang publiko lalo na ang mga kabataan na makibahagi sa kaniyang adbokasiya na β€˜Krusada Kontra Korapsyon (KKK)- Huwag Iboto Kandidatong Bumibili ng Boto”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *