𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗪𝗜𝗗𝗘 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗧𝗔𝗡𝗘𝗢𝗨𝗦 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛𝗤𝗨𝗔𝗞𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗟𝗟, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isasagawa ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023 ng Office of the Civil Defense kung saan ang Diffun, Quirino ang magiging pilot venue nito.

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay OCD Region 2 Information Officer Michael Conag, inaanyayahan nito ang lahat na lumahok sa NSED 2023.

Aniya, malaking bagay na malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin tuwing may lindol.

Tiwala naman ito na magiging tagumpay ang aktibidad dahil base sa kanilang obserbasyon ay nagagawa naman ng mga taong-bayan ang kanilang mga natututunan sa NSED sa mga totoong senaryo.

Kaugnay nito, nagbigay din ng suporta ang ilang private establishment katulad ng SM City Cauayan para sa nasabing earthquake drill.

Ayon kay Rowinson Valmonte, Assistant Mall Manager ng SM City Cauayan sa naging pag-uusap kasama ang 92.9 Brigada News FM Cauayan, sinabi nito na may mga inihanda silang mga high level drills para sa kanilang mga manggagawa katuwang ang BFP, RESCUE at PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *