Isang palaka, itinuring na boarder ng isang babae sa kaniyang sapatos

At nakita kita sa tagpuan―este sa sapatos ko! 

All smiles ang palakang si Jabba, matapos nitong makuha ang puwesto na kaniyang panunuluyan tuwing tag-araw maging ang loob ni Sita Hood, dahil itinuring na siya nitong kaibigan imbis na katakutan sa kanilang unang pagtatagpo.

Kung ang iba’y napapalundag sa kaba kapag nakakakita ng isang palaka, ibahin natin si Sita ‘pagkat waring napatalon ito sa tuwa matapos siyang makabuo ng unique friendship kay “Jabba, the Toad”, na inimbitahan na niya para manatili sa kanyang sariling tahanan.

Dito rin natagpuan ni Jabba ang magiging teritoryo niya―ang sapatos ni Sita. 

Malamang sa malamang, palalayasin ng ibang tao si Jabba palabas kapag nakita siyang nasa loob ng sapatos, kaya’t mabuti na lamang at nilagyan ni Sita ng sign ang labas ng pinanatilihan nito para ibandera sa iba na ang naturang palaka ay opisyal na border na ng kanyang tahanan. 

Ani ni Sita, grateful siya na magkaroon ng natatanging pagkakaibigan kasama si Jabba. 

Palagi naman umano inaasahan ni Sita na umaalis ang kaibigang palaka tuwing taglamig at babalik kapag magha-hibernate ito sa tag-araw, kaya’t inihahanda na niya ang kaniyang sapatos sa araw na papalapit ito. ###Johnoah Mae A. Zepeda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *