π—£π—”π—šπ——π—˜π—žπ—Ÿπ—”π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—˜π—–π—›π—”π—šπ—¨π—˜ π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š β€œπ—œπ—‘π—¦π—¨π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬ 𝗙π—₯π—˜π—˜β€, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ

Tuluyan nang idineklara ang Bayan ng Echague bilang β€œInsurgency free” ngayong araw, ika-6 ng Nobyembre, matapos itong ma-kansela noong nakaraang buwan.

Naganap ang seremonya sa Municipal Hall, Barangay San Fabian, Echague, Isabela kung saan pinangunahan ito nina PCOL Julio Go, ang IPPO Provincial Director, kasama rin ang Force Commander ng 2nd IPMFC na si PLTCOL Avelino Canceran, at PMAJ Rogelio Natividad, ang Chief of Police ng Echague.

Dumalo rin ang mga LGU Officials sa pangunguna ni Municipal Mayor Francis Faustino A. Dy, maging ang Bureau of Fire Protection at ang 502nd Brigade, 5ID, PA sa pangunguna naman ni Brigade Commander, BGEN Eugene Mata.

Base sa ulat ng PCADU Isabela PPO, idineklarang Insurgency free ang naturang bayan dahil walang naitala na anumang presenya ng mga makakaliwang grupo mula noong mga nagdaang taon at sa kasalakuyan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Mayor Kiko Dy na mananatili pa rin silang nakaantabay hinggil sa posibleng pag-usbong muli ng insurhensiya sa kanilang bayan kahit sila’y na-ideklara ng insurgency free.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *