𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗥𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗙, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Nagsagawa na ng pagsusuri ang Department of Agriculture Region 2 sa pitong bayan sa Lambak ng Cagayan na posibleng mayroong kaso ng African Swine Fever.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinumpirma ni asf Coordinator Dr. Manuel Galang Jr. na mayroong apat na bayan sa Nueva Vizcaya at tatlo sa Isabela ang may ulat na nagkaroon ng kaso ng pagkamatay ng alagang baboy ng mga hograisers.

Patuloy ang balidasyon ng kagawaran sa nasabing ulat kung saan sa oras na magpositibo sa ASF ang mga ito ay magsasagawa sila ng depopulation at disinfection sa mga kulungan ng mga namatay na baboy.

Dahil dito muling nagpapaalala ang opisyal na tiyakin ng mga hog raisers ang biosecurity sa kulungan ng mga baboy.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *