DFA, suportado ang OSG laban sa China kaugnay ng malawakang pagkasira ng coral reefs sa WPS

Handa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na suportahan ang Office of the Solicitor General (OSG) sa kanilang pahayag na pinag-aaralan ang mga legal options laban sa China kaugnay sa ulat ng malawakang pagkasira ng bahura sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea.

Una na kasing sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na susuriin nila ang mga merito ng bawat legal options kabilang ang posibleng pagsasampa ng reklamo dahil sa mga pinsalang idinulot ng pagkasira ng mga bahura sa harap ng International Tribunal na silang may tamang hurisdiksyon tulad ng Permanent Court of Arbitration sa the Hague.

Sabi pa ni Guevarra – maingat nilang pinag-aaralan ang isyu dahil sa posibleng epekto ng anumang aksyon ng estado sa mga long term interest ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *