𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado ang isang lalaki matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng Tuguegarao City Drug Enforcement Unit at PNP sa Barangay Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, kinilala ang naaresto na si alyas Jack, 40-anyos at residente sa naturang lugar.

Nadakip ang suspek matapos nitong bentahan ng hinihinalanag shabu ang isang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nasamsam sa direktang pag-iingat nito ang P3,000 buy bust money at hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 0.08 grams na nagkakahalaga ng P6,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang naaresto habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *