1 month na implementasyon ng f2f classes sa 79 na paaralan sa Cauayan City, walang naitala na untoward incident – SDO

Kinumpirma ng Schools Division Office ng Cauayan City na wala pang naitatalang untoward incident at nagpositibo ng Covid-19 sa mahigit isang buwan na implementasyon ng limited face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa lunsod.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr., sinabi nito na wala pang nagpositibo ng Covid-19 na mag-aaral o guro sa 79 na paaralan sa lunsod na nagbukas para sa limited f2f classes.

Tiniyak naman ni SDS Gumaru ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan kahit pa bumaba na ang kaso ng Covid-19 sa lunsod.

Ayon pa dito, dahil lahat na ng paaralan sa siyudad ay kabilang sa in-peron classes ay inaasahan rin face-to-face na ang graduation ng mga mag-aaral sa S.Y 2021-2022.

Kaugnay dito, mahigpit pa rin umanong susundin ng SDO Cauayan City ang mga restrictions na ibinaba ng DOH at DepEd Central Office.

Patuloy namang hinikayat ni SDS Gumaru ang mga mag-aaral, magulang at mga guro na ipagpatuloy ang suporta sa mga akitibidades ng DepEd partikular ang nalalapit na DepEd Dos Regional Invitational Sporting Event sa lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *