10-year old genius kid sa Mexico, mas mataas pa ang IQ kina Einstein at Hawkings

ISANG sampung taong gulang na batang babae sa Mexico City sa bansang Mexico ang pinaniniwalaang pinaka matalinong tao na kasalukuyang nabubuhay sa mundo.

Sa sobrang talino nito, nalagpasan pa umano ng bata ang I.Q ng sikat na Theoretical Physicists na si Albert Einstein at ang English Theoretical Physicists na si Stephen Hawking.

Madalas na naging tampulan ng tukso at pambu-bully ang batang si Adhara Perez dahil sakanyang kakaibang katangian at sakanyang pagiging “special” mula sa pangkaraniwang bata.

Dahil sa pagiging espesyal ni Adhara, ipinayo ng mga doctor sakanyang mga magulang na dalhin siya sa Center for Attention to Talent (CEDAT) – isang paaralan para sa mga gifted children na kagaya niya.

Sa nasabing paaralan napatunayan na isang ‘certified genius’ si Adhara matapos na umabot sa 165 ang I.Q o intelligence qoutient ng bata, mas mataas kumpara sa 160-IQ nina Einstein at Hawkings.

Sa edad na limang taong gulang, nakapagtapos na si Adhara ng Elementarya; sa edad na walong taong gulang ay natapos na nito ang High School habang sa kasalukuyan, sa edad na sampong taon, ay pinag-aaralan na nito ang kanyang dual degree na Industrial Engineering in Mathematics at Systems Engineering.

Pangarap umano ni Adhara na balang araw ay makapag trabaho siya sa NASA dahil nais niyang makapunta ng space at i-colonize ang planetang Mars.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *