100 years para sa cannonical coronation kay Inang Nuestra Sra De Penafrancia sa susunod na taon paghahandaan na ng Naga City Government at ng archdiocese of caceres

NAGA CITY – Ngayon pa lang ay may plano ng pag-usapan ng LGU-Naga at ng Archbishop of Caceres ang mangyayaring 100 years na canonical coronation kay Inang Penafrancia, sa susunod na taong 2024.

Katatapos pa lang ng pagdiriwang ng piesta sa Inang Penafrancia, subalit napag-uusapan na ito dahil sa mga mahahalagang programa na magaganap.

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga kay City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na bagamat malayo pa kailangan ng pag-usapan dahan dahan o paisa-isa ang mga posibleng agenda nila ng simbahan

Ang centenary pontifical coronation sa Inang Penafrancia ay magaganap sa May 2024, puwedeng May 22 0 May 13 .

Ayon kay Legacion, asahan na rin ang mas maraming deboto ang darating para sa napakahalagang aktibidad na ito ng simbahan.

Kasabay nito, nagpasalamat naman ang Alkalde sa lahat ng mga tumulong sa kanila ng simbahan para maging matagumpay sa nangyaring Penafrancia Fiesta Celebration na dinaluhan ng mahigit 1.3 million mga deboto at bisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *