1,000 daily COVID-19 cases, pinangangambahan

Posible umanong sumipang muli sa 1,000 daily cases ng COVID-19 ang maitala sa Metro Manila sa Hulyo.

Ito ang projection ng OCTA Research kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso sa rehyon sa mga nagdaang araw.

Ayon kay OCTA fellow Guido David, katumbas ito ng pito kada 190,000 na ADAR o ‘yung avarage daily attack rate.

Maliban sa NCR, naitala rin ang pagtaas ng mga kaso sa Cavite, Laguna, Rizal, at sa Western Visayas.

Sa kabila nito, hindi pa rin naman daw napo-project na magiging kritikal muli ang hospital utilization.

Sakali mang maitala ang 500 hanggang 1,000 cases kada araw, ilalagay ang Metro Manila sa ‘moderate risk’ mula sa ‘low risk’ classification nito.

Sa huli, sinabi ni David na ang pinakamahalaga pa rin aniya ay ang pag-iingat ng mga Pilipino.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *