Planong pamamahiya kay Marcos, kinumpirma ng DILG

Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government na mayroon itong natanggap na ulat hingigl sa ‘di umano’y planong pamamahiya kay President-elect Bongbong Marcos.

Una nang ibinunyag ni dating senador at ngayo’y presidential legal counsel-designate Juan Ponce Enrili na mayroon umanong mga grupo mula sa Amerika at sa pilipinas ang nagbabalak na guluhin at pahiyain si Marcos.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, lumabas sa kanilang intel na ang planong pagpapahiya sa inagurasyon ni Marcos ay kagagawan pa rin ng mga komunista.

Hindi raw nila ito ipagsasa-walang bahala kaya naman inatasan na ang Philippine National Police na mas higpitan pa ang seguridad sa National Museum.

Dagdag pa ni Malaya, gawain na raw talaga ng mga ito na manggulo kahit na sino pa man ang umupo sa Palasyo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *