102 year old na lola sa Pampanga, nananatili pa ring malakas at walang iniinom na maintenance

BINANSAGAN bilang “old but gold” ang isang 102-year old na lola sa Lubao, Pampanga na si Lola Leonora dahil sa malakas pa rin nitong pangangatawan sakabila ng kanyang edad.

Ayon sa Provincial Information Office ng Pampanga, si Lola Leonora ay isa sa ilang mga pinakamatatandang Kapampangan na kasalukuyan pa ring nabubuhay sa probinsya.

Isinilang ang matanda noong May 20, 1920 sa Santiago, Lubao at ang ipinagtataka ng marami, nananatiling malusog si Lola Leonora at katunayan ay wala pa itong iniinom na gamot para sakanyang maintenance.

Samantala, nakanggap na rin ng P100,000 na cash incentives si Lola Leonora mula sa pamahalaang panlalawigan habang kwalipikado na rin itong tumanggap ng P100,000 mula naman sa DSWD alinsunod sa “Centenarian Act”.

Ayon kay Lola Leonora, wala naman umano siyang sekreto kung bakit nananatili pa rin siyang malakas, bagkus kanyang binigyang diin na ang lahat ng ito ay dahil umano sa Panginoong Diyos na nagbibigay sakanya ng mahabang buhay.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *