108 assistive devices, ipinamahagi sa mga PWDs sa So.Cot

KORONADAL CITY – NAMAHAGI ng assistive devices ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO sa 108 na mga Persons with Disabilities o PWD sa probinsya. Sa naturang bilang, 80 ang nakatanggap ng wheelchairs, 11 ang nabigayn ng quad canes, 25 ang nakatanggap ng hearing aids at mayroon ding benepisyaryo ng tungkod at walkers.

Sa pamamagitan ng naturang mga assistive devices, matutulungan ang mga PWDs na mapabuti ang kanilang pamumuhay. Sa mga gustong maka-avail ng naturang mga device, makipag-ugnayan lamang sa PSWDO- Persons with Disability Affairs Unit o PDAU para sa dagdag na impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *