Suspension ng WESM sa mataas na singil ng kuryente, malaking tulong sa member-consumer-CASURECO II

CAMARINES SUR- Malaking tulong para sa mga member-consumer ng Camarines Sur II Electric Cooperative (CASURECO II) ang suspension ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na mangolekta ng taas presyo sa kuryente tuwing nasa Red at Yellow Alert Status ang Luzon Grid.

Sa opisyal na press release mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), hindi maaaring magsingil ng mataas na presyo ang WESM sa mga kooperatiba na sinusupplayan nito lalo na kung may nakabanderang Red at Yellow Alert Status. Sinabi naman sa Brigada  News FM Naga ni CASURECO II Spokeperson Rinner Bucay, malaking tulong ito para sa kooperatiba lalo na’t nasa 10% rin ang kinukuha nilang supply mula sa WESM na siyang inoobliga sa kanila ng batas.

Umaasa naman ang member-consumer na si “Dondon” ng Pili, Camarines Sur  na nawa’y masunod ang kautusang ito at hindi magtapos sa papel at salita lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *