108 indibidwal sa Camarines Norte nabakunahan kontra COVID- 19 noong Miyerkules

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 108 na indibidwal sa lalawigan ng Camarines Norte ang nabakunahan kontra COVID- 19 noong Miyerkules, September 14.

Sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center nagmula ang 108 na ito sa bayan ng Daet na may 34, Paracale 33, Labo 16, San Vicente 12 at Mercedes 10.

Sa bayan ng San Lorenzo Ruiz ay may dalawa at isa sa Talisay.

Wala namang binakunahan sa Basud, Capalonga at Vinzons habang no report ang Sta Elena.

Sa 108 na nabakunahan, 79 dito ay Pfizer kung saan 5 ang first dose, 4 ang second dose, 50 ang first booster, 20 ang second booster.

Nasa 17 naman ang nabakunahan ng Sinovac na lahat ay first booster.

Sa kabuuan 12 ang tumanggap ng first dose at 7 ang second dose.

Ang mga tumanggap naman ng unang booster ay 69 at 20 ang additional dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *