Colgante Bridge tragedy sa Naga City , inalala sa ika-50 anibersaryo

NAGA CITY- 50 taon na ang nakararaan nang maganap ang trahedya sa Colgante Bridge sa Naga City , ang mga aral  sa nangyari ay isinasabuhay tuwing Peñafrancia Festival.

Sept 16, 1972 nang bumagsak o mag collapse ang noo’y kahoy pang tulay ng Colgante. Nangyari ito sa kasagsagan ng Fluvial Procession sa imahen ng  Divino Rostro at  Nuestra Señora De Peñafrancia o ang pagbalik noon sa Peñafrancia Shrine sa mula sa Metropolitan Cathedral na dumaraan sa Naga River.

Umabot nasa 138 ang nasawi kabilang ang mga ordinaryong mamamayan at mga devoto. May mga naipit, at nabagsakan ng tulay. Sa mga ulat sa kasaysayan, nakitang punong-puno kase ang tulay ng mga debotong nag-aabang sa pagdaan ng pagoda ni Ina.

Mula noon, naging mas maingat na ang Naga kapag ginagawa ang Fluvial Procession, hindi na pumapayag ang mga otoridad na marami ang tao sa tulay. Kahit na nga mas matibay na ang tulay ngayon, sininigurado pa ring regular ang inspeksyon ng City Engineering Office.

Ayon kay City Councilor Oying Rosales, dapat lagyan ng Historical Marker ang lugar bilang pagpapaalala sa laging pagsisiguro na ligtas ang mga proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *