10K na mga sundalo at pulis – idi-neploy sa manhunt ops sa Degamo slay suspects

Tiniyak ni Defense Secretary Carlito Galvez na gagawin niyang lahat at ng administrasyong Marcos para mapanagot ang mga nasa likod ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ngayong araw, personal niyang binisita ang lamay nito kasama si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Andress Centino.

Dito kinumpirma ng kalihim ang pagbuo sa isang joint task force na bubuoin ng dalawang brigada at anim na mga batalyon para masiguro ang kapayapaan sa Isla ng Negros.

Sila rin umano ang tututok sa iba pang mga napaulat na patayan bago pa man ang pagpaslang sa Gobernador.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *