4 sa 18 suspected pertussis case sa Albay, nagpositibo – PHO

LEGAZPI CITY – Nagpositibo ang 4 sa 18 suspected cases ng whooping cough o pertussis sa lalawigan ng Albay ayon sa Provincial Health Office (PHO) – Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).

Ayon sa confirmatory notice na natanggap ng PESU, sa 18 hinihinalang kaso na naiulat ngayong buwan ng Abril, at ang kabuuang bilang ng pertussis-positive ay itinaas sa na sa 4, kung saan isang pasyente ang mula sa mga bayan ng Pio Duran at Polangui.

Ayon naman kay PESU Coordinator Jan Edmund Bailon, ang mga pentavalent vaccines ay nakatakdang dumating sa buwan ng Hunyo.

Umaasa umano ang kanilang tanggapan na sa oras na iyon ay maipamahagi na ang mga bakuna sa mga lalawigan mula sa Central Office.

Sa ngayon, tiniyak ng PHO at PESU sa publiko na mahigpit nilang binabantayan ang patuloy na imbestigasyon at verification ng mga hinihinalang kaso sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *