11 patay, 300 nasaktan, sa toxic chlorine gas leakage sa Jordan

Patay ang 11 tao habang halos 300 ang nasaktan at naospital bunsod ng leak sa toxic chlorine gas sa Aqaba Red Sea port sa Jordan.

Sa inisyal na report, nalaglag ang chemical storage container habang inililipat matapos ang crane malfunction.

Nakuhanan ng CCTV footage ang container na inililipat pero bigla itong nalaglag at saka sumabog.

Napag-alaman na marami sa mga sugatan ang nasa kritikal na kondisyon kaya nababahala ang mga otoridad na posibleng mas tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.

Matatandaan na ang chlorine ay isang kemikal na ginagamit ng mga industry at kabahayan bilang panlinis pero kailangan itong i-pressurised at palamigin para sa storage at shipment.

Peligroso din ito kapag na-singhot ang “high-level” nito dahil posible itong magdulot ng fluid build-up sa baga na isang “life-threatening” condition na mas kilala sa tawag na pulmonary oedema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *