PNP may persons of interest na sa pamamaril-patay sa isang Barangay Kagawad sa Masbate

SORSOGON CITY—Mayroon nang persons of interest ang PNP sa nangyaring pamamaril-patay sa isang Barangay Kagawad sa Capaculan, Milagros, Masbate nitong Linggo.

Ayon kay Police Major Rustom Dela Torre, hepe ng Milagros Municipal Police Station, inaalam pa ang posibleng motibo ng mga ito sa krimen.

Una rito, agad na nasawi ang biktimang si Edison Rosero, 55-anyos, Barangay Kagawad ng Capaculan, sa bayan ng Milagros nang barilin ito sa ulo habang nanonood ng basketball Linggo ng gabi.

Ayon sa PNP, malapitang binaril ng gunman sa ulo ang biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkasawi.

Narekober sa lugar ang isang basyo ng kalibre 45 baril. Patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.

Mababatid na bago ito, isa ring insidente ng pamamaslang sa isang barangay kagawad sa bayan ng Baleno ang naitala kung saan biktima ang 33 anyos na si Romnick Drio, ng Barangay Obongan-Diot na binaril habang natutulog ng pinaniniwalaang mga NPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *