11 pribadong paaralan sa Bicol, pinayagan nang magtaas ng kanilang tuition at iba pang school fees para sa 1st year students – CHED Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol na 11 pribadong paaralan sa rehiyon ang nag-apply para sa tuition increase para sa mga 1st year students ngayon school year 2022-2023.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Sharie Bailon, education supervisor ng nasabing tanggapan, sinabi nitong kabilang sa mga nagtaas na tuition ay ang Ateneo De Naga University, Bicol Merchant Marine Collage ng Sorsogon City, Christian Polytechnic Institute Virac Catanduanes, Holy Trinity College of Camarines Sur sa Bato ng nasabing lalawigan, La Consolacion College of Iriga ng San Francisco Iriga City, Liceo De Masbate Inc ng Masbate City, Our Lady of Lourdes College Foundation ng Daet Camarines Norte, STI College Legazpi at Naga City, The Lewis College ng Sorsogon City, at University Of Nueva Caceres ng Naga City.

Ayon kay Bailon, nasa 5.5% increase lamang ang ibinigay ng ahensya at karamihan din sa mga nabanggit na paaralan kung bakit binigyan pagkakataon na magtaas ng kanilang tuition fees ay dahil sa 5 taon na itong hindi nabigyan ng increase.

Aniya, bago man payagan ang mga paaralan na magtaas ng matrikula ay dadaan muna ito sa Commissioner en banc o Ched Central Office.

Paliwanag nito na sa 1st year lamang ang binigyan pagkakataong magtaas ng tuition dahil sa inflation rate, kung saan mas madali ang pag-apruba nito at nasa rehiyon na rin ang jurisdiction.

Kabilang sa mga tiinitingnan rito ay kung ilang taon nang hindi nagkaroon ng pagtaas ng tuition, para saan ang kanilang pagtaas, o kung kumpleto ba ang kanilang isinumite na requirements at iba pa.

Nilinaw ng opisyal, mula sa 173 na local colleges and universities sa Bicol nasa 13 ang nag-apply para sa tuition increase, 11 rito ay aprobado nang private schools, habang ang dalawang rito ay hindi pinayagan dahil nahuling mabigay ng requirements.

Samantala, mayroon din namang local colleges ang dumaan sa consultation, ngunit hindi pa rin ito pinayagan dahil sa Unifast Law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *