Shabu at baril, nakumpiska sa buy bust operation sa Lipa City, Batangas

Arestado ang isang lalaki matapos na makuhanan ng baril at pinaniniwalaang shabu sa ikinasang buy bust operation sa Lipa City, nitong Sabado, December 17, 2022.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang suspek na si Randy Garcia y Reyes, alayas “Tokis”, 44, may asawa at residente ng naturang lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu na aabot sa 1.50 gramo at nagkakahalaga ng P10,350.00.

Matapos kapkapan ay nakuha mula sa suspek ang isang caliber 45 pistol, mga bala, magazine, 400 pesos at perang ginamit sa transaksyon.

Si Garcia ay kabilang sa drug watch list ng Lipa CPS.

Nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *