12.7 billiong pesos na financial assistance sa mga magsasaka, inaprobahan ni Pangulong Marcos

Aprobado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapalabas ng 12.7 billion pesos para sa Rice Farmers Financial Assistance o and RFFA program ng kanyang administrasyon.

Tulong ito sa mga maliliit na magsasaka ng palay para mapanatili ang kanilang produksyon, sa kabila ng ilang mga hamon sa sektor ng agrikultura sa bansa tulad ng El NiƱo.

As of June 30, 2023 nasa 2.3 milyong maliit na magsasakang nagtatanim ng palay ang natukoy ng gobyerno na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture RSBSA, na magiging benepisyaryo sa naturang programa.

Tatanggap ang mga ito ng PhP5,000 na tulong pinansyal bawat isa, na kinuha mula sa sobra-sobrang koleksyon ng taripa sa rice importation noong 2022.

Kabilang din sa mga benepisyaryo ng RFFA ang mga kasapi ng farm cooperatives associations o FCAs, irrigators associations o IAs, agrarian reform beneficiaries organizations o ARBOs, small water impounding systems associations o SWISAs, at iba pang mga grupo ng magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *