12% VAT sa power rates pinababasura sa susunod na administrasyon

Iminungkahi ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Agnes Devanadera sa susunod na administrasyon na tanggalin ang 12-percent value-added tax (VAT) na ipinataw sa generation charge.

Ayon kay Devanadera mapapa-baba ang singil sa kuryente na kasalukuyang binabayaran ng mga end-user kung ang buwis ay ilalapat na lamang sa distribution charge.

Paliwanag ng ERC chair binabayaran ng mga distribution utilities at ipinapasa sa mga consumer ang VAT sa singil sa distribution o ang halaga ng paghahatid ng kuryente sa mga sambahayan at iba pang end-user.

Ang mga kumpanya ng power generation tulad ng Aboitiz Power Corp. at First Gen Corp. ay nagbabayad din ng VAT sa gasolina na ginagamit nila sa paggawa ng kuryente.

Sa katunayan, ang isang karaniwang Pilipinong mamimili ay nagbabayad ng buwis hindi lang isa kundi dalawang beses para sa paggamit ng kuryente sa araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *