Limited graduation rites ng mga magaaral magtatapos ngayon school year posibleng ikansela sa oras na isailalim sa alert level 2 status ang Bicol Region o mga lalawigan o bayan- DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Posibleng ikansela o ipatigil ang limited Graduation rites ng mga mag-aaral na magtatapos ngayon year sa oras na ito ay isailalim sa alert level 3 status ang Bicol Region o lalawigan at bayan.

Ayon kay Mayflor Jumamil, ang Regional Spokesperson ng nasabing tanggapan, automatik kanselado o tigil muna ang gagawing limited graduation rites sa mga paaralann dahil sumusunod lamang ito sa minimum health protocols ng Department of Health (DOH) laban sa coronavirus disease (COVID)19.

Aniya, hindi pwede ilagay sa peligro ang buhay ng mga bata, magulang at guro dahil sa marami na ang nasasawi o nagkakasakit sa covid 19.

Maaaring gawin na lamang ng mga estudyante o paaralan ay virtual graduation mas iisipin ng tanggapan ang kaligtasan ng mga bata at pamilya upang hindi na magkaroon ng hawaan ang mga ito sa oras na ipagpilit ang limited graduation rites.

Sa ngayon may mga lugar sa Bicol Region ang binalik sa alert level 2 status laban sa covid 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *