126 new cases, 88 recoveries, 5 deaths sa COVID-19 naitala sa Bicol

BICOL—Pumalo na sa 20,565 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan ng 126 na bagong kaso base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol ngayong araw.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na umabot ng 36 kung saan 11 nito ay mula sa Naga City, apat sa bayan ng Goa, tigtatlo ang bayan ng Calabanga at Pili, tigdadalawa ang mga bayan ng Baao, Bato, Canaman at Libmanan at tig-iisa naman ang mga bayan ng Buhi, Lupi, Magarao, Nabua, Ocampo, Sipocot at Tigaon.

34 na bagong kaso ang naitala sa Masbate kung saan 13 nito ay mula sa Masbate City, anim sa bayan ng Uson, apat sa bayan ng Aroroy, tatlo sa bayan ng Cataingan, tigdalawa ang bayan ng Balud at Placer at tig-iisa naman ang mga bayan ng Cawayan, Milagros, Mobo at San Fernando.

28 na bagong kaso naman ang nadagdag sa Albay kung saan tiglilima ang mga bayan ng Guinobatan, Polangui at Tiwi, tatlo sa lungsod ng Legazpi, tigdadalawa ang bayan ng Daraga at mga lungsod ng Ligao at Tabaco at tig-iisa naman ang mga bayan ng Bacacay, Libon, Pio Duran at Santo Domingo.

11 bagong kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Catanduanes kung saan tigtatatlo ang mga bayan ng Bagamanoc, San Andres at Virac at tig-isa naman ang bayan ng Panganiban at Viga.

Sampong bagong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan apat ang mula sa Sorsogon City, tigdalawa ang bayan ng Bulan at Gubat at tig-isa ang bayan ng Prieto Diaz at Santa Magdalena.

Anim na bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan apat ang mula sa bayan ng Daet at tig-isa ang bayan ng Jose Panganiban at Vinzons habang isang kaso naman mula sa labas ng Bicol partikular mula sa Taguig City ang naitalang nagpositibo.

Sa ngayon ay nasa 3,164 (15.39%) pa ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Samantala, pumalo na rin sa 16,620 (80.82%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng 88. Pinakamaraming bagong nadagdag ang lalawigan ng Albay na may 58, ang Naga City ay may 12, Sorsogon 11, anim sa Masbate at isa sa Catanduanes.

Pumalo naman sa 781 (3.80%) ang death toll matapos madagdagan ng panibagong lima. Dalawa ang nadagdag sa Camarines Sur at tig-iisa ang mga lalawigan ng Albay, Sorsogon at lungsod ng Legazpi.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *