13% ng mga taga Camarines Sur nabakunahan na VS COVID-19 ; online registration sa lalawigan binuksan na

NAGA CITY- 13% na ng mga taga Camarines Sur ang nabakunahan kontra COVID-19, base sa record ng Department of Health Bicol.

157, 062 na ang nakatanggap ng 1st dose habang 48, 038 na ang 2nd dose  sa estimated na  target mabakunahan na

1, 230, 252 katao. 100% na ang nabakunahan sa A1 priority, 41% sa A2 habang sa A3 ay 27% at 0.51% naman sa A4.

Una nang sinabi ng provincial government na 1.2M ang target upang maabot ang herd immunity. Sa mga nais nang magpabakuna, binuksan na ang online registration para rito. Mag log in lamang sa  www.camsurvaccine.com. Ang lalawigan ay nagsisimula nang magbakuna sa A4 priority.

Ayon kay DOH Camarines Sur Officer Dr. Rey Millena, may mga nasa priority list na umaatras, hindi aniya maganda ang daloy ng vaccination rollout kung hindi rin organisado base sa prioritization groups.

Hindi man 100% na protection ang makukuha mainam aniya na magbakuna na upang kahit papaano ay magkaroon ng panangga laban sa COVID-19 at sa mga variants nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *