14 na probinsya, makikinabang sa high speed internet

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang launching ng Phase 1 ng National Fiber Backbone Project ng Department of Information and Communications Technology o DICT.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na 14 na mga probinsya mula Region 1, Region 3 at National Capital Region ang makikinabang sa high speed internet.

Liban pa sa dalawang National Government Data Centers at apat na BCDA eco zones.

Ang National Fiber Backbone project phase 1 ay binubuo ng 28 nodes mula Laoag, Ilocos Norte hanggang Roces sa Quezon Ccity at may habang 1, 245 kilometers.

Meron itong initial na 600 Gbps optical spectrum capacity, kaya kayang-kaya nitong pagsilbihan ang mga government agencies at komunidad na madadaanan nito.

Inaasahang mapapalakas na ang internet connectivity ng 346 national and local government offices na nakakonekta sa GovNet, na makakatulong sa kanilang overall operational efficiency at pagtitipid na 145 million kada taon.

Bukod pa rito, palalawigin nito ang digital lifeline sa mahigit 3,000 Filipino at iba’t ibang Free Wi-Fi Sites, na magbibigay-daan sa direktang internet access para sa humigit-kumulang 750,000 benepisyaryo mula sa mga lugar na nabanggit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *