LEGAZPI CITY – Personal na bumisita si Chairman of Committee on Public Works, Senator Bong Revilla sa lalawigan ng Albay partikular sa mga ilang mga evacuation centers dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng Bulkang Mayon.

Layunin ng senador sa kanyang pagbisita sa lalawigan ay upang makapamahagi ng tulong para sa mga pamilyang lubos na naapektaran ng pag-aalburoto ng Bulkan.

Nilibot ni Revilla ang mga bayan na mayroong mga lugar na pasok sa permanent danger zone ng bulkan na kinabibilangan ng Sto. Domingo, Malilipot, Guinobatan, Camalig at Daraga upang mamigay ng asistensya tulad ng family food packs.

Maliban sa mga ito, nakatanggap pa ang bawat pamilyang nasa evacuation centers ng aabot sa PHP5,000 halaga ng financial assistance.

Ayon sa senador, nakita niyang alerto naman ang bawat lokal na pamahalaan ng mga apektadong lugar at tiniyak niyang palagi naman umanong alerto at nakasuporta ang national government kahit pa itaas ang alert level ng bulkan.

Samantala, kasama naman ni Revilla ang ilang mga opisyal ng gobyerno sa pamamahagi ng nasabing mga tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *