DOH, mayroon pang inaasahang bagong batch ng mga bivalent vaccine

Uumpisahan na ang pag-administer ng mga bivalent vacines sa bansa sa susunod na linggo, June 21.

Unang babakunahan ay ang mga heathcare workers at mga senior citizens bilang bahagi ng kanilang ikatlong booster dose.

Ayon kay Department of Health (DOH) chief information officer Usec. Eric Tayag, hindi na muna makakasama sa unang batch ng roll-out nito ang mga may comorbidities.

Muli namang naibahagi ni Tayag na mayroon pa silang inaasahang bagong batch ng mga bakuna na magmumula sa COVAX Facilty.

Mula kasi sa estimates ng DOH na 1.5million doses, tanging 390,000 lamang ang natanggap ng Pilipinas. //LGD, edidted MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *