16 biktima ng human trafficking na-rescue sa Tawi Tawi

Umabot sa 16 katao na biktima ng human trafficking ang nasagip ng Naval Forces Western Mindanao at Marine Batallion Landing Team 12  sa isang pier mula sa Bongao, Tawi Tawi Sabado ng hapon.

Sa inulat na report ng Naval Forces Western MIndanao PAO, napag-alaman na ang mga biktima ay nagmula pa sa bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao nang marescue mula sa sinakyang MV Kristel Jane 3 na lumayag pa mula lungsod ng Zamboanga isang araw bago marescue sa Bongao Tawi-Tawi.

Sa inisyal na imbestigasyon, ni-recruit umano ang 16 na mga biktima at pinangakuan ng magandang trabaho patungo sa bansang Malaysia sa pamamagitan ng backdoor.

Sa huling ulat ng Bongao Municipal Government  at sa pakikiisa ng Local Council on Anti Trafficking in Persons and Violence Against Women and Children, umaabot na sa 11 na indibidwal ang narescue  sa patuloy na kampanya ng awtoridad contra human trafficking.

Pinapayuhan naman ng mga opisyal ang publiko na huwag basta-basta magtitiwala sa mga nagre-recruit sa kanila para magtrabaho sa abroad.

Hinahanda na ng awtoridad ang kasong paglabag sa R.A 9208 o Expanded Trafficking in Persons Act laban sa umano’y nasa likod nang illegal na actividad. Guen Delos Santos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *