16 na bagong units ng patrol cars nai-turnover na sa mga police station

Nai-turnover na kahapon ng hapon sa mga Police Stations ang 16 na mga bagong patrol cars.

Naging pangunahing panauhin sa nasabing aktibidad sina PLTGEN Rhoderick Armamento, Commander ng Area Police Command ng South Luzon at PRO5 Regional Director PBGEN Westrimundo Obinque.

Ayon naman kay Provincial Director Col Dionisio Laceda, ito aniya ang kauna-unahan sa Police Provincial Office na nagkaroon ng maraming donasyon na patrol cars.

Nagpaabot naman ng pagsuporta sina PLtGen Armamento at PBGen Obinque sa mga programa ng PPO lalong-lalo na pag dating sa peace and order.

Sa 16 na patrol cars, tig-iisang unit ang 14 na mga MPS at dalawang units sa Sorsogon City Police Station.

Kasabay ng pag turnover, pinasinayaan rin ng mga nasabing opisyal ang bagong multi-purpose sa Camp Escudero at ang bagong Matnog Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *