16 na mga indibidwal kasalukuyang minomonitor sa ‘Camalig Bungkaras Evacuation Center’ sa Albay

BNFM BICOL—Kasalukuyang minomonitor at nagpapagaling ang 16 nga mga indibidwal sa ‘Camalig Bungkaras Evacuation Center’ o CBEC sa bayan ng Camalig, Albay.

Sa nasabing bilang, pito sa mga ito ang nag positibo sa RT-PCR Test; apat ang nag positibo sa Rapid Antigen test habang apat naman ang naka isolate matapos na mapabilang at may identify bilang mga close contacts.

Regular ang mga itong minomonitor ng mga health workers at araw-araw ding binibigyan ng pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

Apat na buwan na ang nakakaraan simula nang ilunsad ang CBEC upang matugunan ang nakaka alarmang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa naturang bayan.

Batay sa pinakahuling tala kahapon, umabot na sa 550 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Camalig kung saan 31 nito ang nananatiling aktibong kaso.

Nasa 486 na rin ang recoveries habang 33 na ang bilang ng mga nasawi.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *