Fully vaxx individuals sa Catanduanes, umabot na sa mahigit 156k; Vaccination coverage sa lugar nasa 57% na

BNFM BICOL—Pumalo na sa 156,801 ang bilang ng mga fully vaccinated individuals sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinaka latest na datus na inilabas ng Provincial Health Office as of January 14, 2022.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 69% ng current target population habang nasa 192,436 na rin ang mga tumanggap ng first dose ng bakuna na katumbas naman ng 84% ng current target population.

Sa kabuuan, umaabot na sa 349,237 individuals sa islang probinsya ang bakunado na kontra COVID kung kaya’t sa kasalukuyan ay nasa 57% na ang vaccination coverage sa isla mula nang mag umpisa ang bakunahan sa lugar.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng PHO na nasa 17,687 individuals na ang tumanggap ng booster shots na abilable lamang para sa mga residenteng tatlong buwan na ang nakakaraan matapos na makatanggap ng second dose ng bakuna.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang bakunahan sa iba’t-ibang panig ng lalawigan kung kaya’t patuloy rin sa paghikayat ang sektor ng kalusugan sa mga residente ng probinsya na magpa bakuna na kontra COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *