172-libo mga taga Camarines Sur, naturukan na ng COVID-19 vaccine 1st dose; pahayag ni Dr. Quinajo ukol sa bakuna hiling na ‘di makaapekto

NAGA CITY- 172,085 na ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa Camarines Sur mula sa iba’t-ibang brand, pinakamataas ito sa Bicol Region. Umabot naman sa 52, 120 na ang nakatanggap ng 2nd dose.

Ilang mga health personnel na rin ang nakausap ng Brigada News FM Naga sa mga bayan at lungsod na nagsabing kung ikukumpara noon dumarami ang nais magpabakuna ngayon ngunit mayroon pa ring namimibili ng brand.

Nito mga nagdaang araw naging laman ng mga balita at social media ang pahayag ni Dr. Romeo Quijano, retired professor sa UP College of Medicine na diumano ay mas delikado pa ang bakuna sa mismong virus.

Hiling ng mga health personnel na hindi ito makaapekto sa pagdedesisyon ng publiko upang umatras. Halimbawa nito si Lupi Municipal Health Officer Dra. Mercy Aguila, habang tinatapos nila ang pagbabakuna sa mga nasa A2 hanggang A3 marami na ang nagtatanong kung kailan ang A4 hanggang A5.

Sana aniya ang pahayag parin ng Department of Health ang paniwalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *