Hindi pagkilala sa Phil Id bilang valid proof of identity may karampatang multa ayon sa PSA

Ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority Zambales na mayroong karampatang multa ang sinumang indibidwal o entity na hindi kikilala sa national Id bilang valid proof of identity.

Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act No. 11055 o PhilSys Act kung saan ang national id na ang magsisilbing official government-issued identification document na maaaring gamitin sa mga opisyal na transaksyon.

Paliwanag ni PSA Zambales Dulce Dionisio, sa ilalim ng section 19 ng batas ay nakasaad na sinumang indibidwal o entity ang tatangging kilalanin ang national id bilang valid id na walang balidong rason ay maaaring pagmutahin ng kalahating milyong piso.

Dagdag pa nito, bagamat wala umanong lagda na makikita sa ID pero ito ay mayroong QR at Bar code at isa pa ay dumaan sa mahigpit na proseso bago makapagrehistro ang isang indibidwal para makakuha ng pambansang pagkakakilanlan.

Mayroon umano kasing ilang reklamong natatanggap ang PSA na may ilang mga opisina na hindi pa tinatanggap ang Phil Id bilang balidong pagkakakilanlan ng isang indibidwal.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of food and text that says 'RISK OF HIGH IN FAT DIET Diet high in fat and cholesterol may raise the risk of heart disease and cardiovascular illnesses. Cinnamon bark in Curamed may improve some key risk factors heart disease, including cholesterol, triglycerides and blood pressure. CuraMed Shop now! Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *