178 na mga taga Camarines Sur nag tatrabaho sa Israel; OWWA Bicol wala pang naitatala na nais umuwi

CAMARINES SUR- 178 ang mga taga Camarines Sur ang nagtatrabaho sa Israel habang hindi masigurado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung mayroon undocumented OFW sa Gaza City.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni OWWA- Bicol Spokesperson BJ Bonnet kaugnay ng giyera ng Israel at Hamas.

Aniya lagi naman silang naka monitor sa sitwasyon nakaantabay rin sa mga kaanak nito kung may humihingi na ng tulong na makauwi. Ayon kay Bonnet wala pa namang gustong bumalik sa Pilipinas, ang iba kasi sa mga OFW ay sanay na  pero ngayon ang mas malalang sitwasyon ayon pa sa OWWA. Makipag ugnayan aniya sa Philippine Embassy upang maaksyunan kaagad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *