19 drug personalities sa Cordillera Region, huli sa buy bust ops ng PNP

Arestado ang 19 na indibidwal matapos ang isinagawang Anti-illegal Drug Buy Bust Operation ng kapulisan sa Cordillera Region habang nasa 769,600 naman na halaga ng marijuana ang sinira ng PROCOR Police.

Batay sa datos ng PROCOR’s Regional Operations Division, pitong drug personalities ang naaresto ng PNP Baguio at apat naman ang naaresto sa Abra, Benguet at Kalinga.

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakumpiska ng 19.76 grams ng hinihinalang shabi na mayroong standard drug price na 134,368.

Bukod dito ay 38,000 grams na tinatayang nagkakahalaga ng 4,560,000 ang sinirang pinatuyong dahon ng marijuana.

Dahil dito, kabuoang 668,000 na piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants at 2,540 na piraso ng marijuana seedlings  ang sinira sa Benguet.

Sa ngayon ay nasa kustodiya nan g mga otoridad ang mga naarestong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *