US at Philippine Marines na kalahok sa Balikatan Exercises, dumating na sa Cagayan

Dumating na ang mga sundalo mula United states at Philippine Marines upang makibahagi sa isasagawang Balikatan Exercises sa Calayan, Cagayan.

Kabilang dito ang 17 kawani ng Force Reconnaissance Group, Philippine Marines at 27 na tauhan naman ng Force Recon Platoon, 31st Marine Expeditionary Unit, United States Marine Corps.

Hangarin ng naturang aktibidad na mapatatag pa ang relasyon ng Pilipinas at US kung saan bahagi pa rin ito ng Mutual Defense Treaty.

Ang 10 araw na ehersisyo na pagdadaanan ng mga kalahok ay ang Jungle Survival Operations at Patrolling, kung saan ilan sa mga ito ang Making/laying of Traps and Snares, collecting waters from rivers or plants, Making fire, Water purification at identification techniques, habang Land Navigation, Immediate Action Drills at Personnel and Equipment Operations naman para sa patrolling.

Magkakaroon din ng tatlong araw na culmination activity na gaganapin sa  kagubatan ng isla sa pamamagitan ng Field Training Exercises.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *