2 bagong kaso ng Delta variant, naitala sa Catanduanes; Kabuuang bilang ng VOC sa probinsya, umabot na sa 23

BNFM BICOL—Nadagdagan  ng dalawang kaso ng Delta variant ang mga variants of concern sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Batay sa inilabas na Biosurveillance Report ng DOH-Bicol, as of October 27, 2021, umabot na sa 23 ang bilang ng mga naitalang VOC sa lalawigan.

Walo ang naitalang kaso ng Alpha variant; 12 ang Beta habang tatlo naman ang Delta variant na pawang mula sa kabiserang bayan ng Virac.

Bunsod nito, muli namang nagpaalala ang Provincial Health Office sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols upang makaiwas sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.

Patuloy din ang panawagan ng naturang tanggapan sa mga Catandunganon na makiisa sa nagpapatuloy na vaccination program sa isla upang mabigyan ng proteksyon ang sarili at pamilya laban sa nakamamatay na virus. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *