52 bagong kaso ng COVID-19 variants of concern naitala sa Bicol

BICOL—Pumalo na sa 338 ang kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 variants of concern sa Bicol region matapos na magtala ng 52 na panibagong kaso.

Salig sa pinakahuling Bio surveillance report ng Department of Health (DOH) Bicol, sa 52 bagong kaso, 48 nito ang Delta, tatlo ang Beta at isa ang alpha variants.

Sa 48 bagong delta cases, 13 nito ay mula sa Camarines Sur, 11 sa Camarines Norte, walo sa Legazpi City, pito sa Sorsogon, apat sa Albay, tigdalawa ang Catanduanes at Masbate at isa sa Naga City.

Sa tatlong bagong Beta cases, dalawa ang mula sa Camarines Sur at isa sa Sorsogon habang ang isang Alpha case naman ay naitala sa Camarines Sur.

Sa ngayon ay pumapalo na sa 186 ang mga kaso ng Delta variant sa rehiyon, 107 ang Beta at 45 ang Alpha variant cases.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *