2 CICL minalas sa checkpoint dala ang ninakaw na motorsiklo

Natiyempuhan ng Bulan Police ang dalawang CICL (Children In Conflict with the Law) na nagnakaw ng motorsiklo sa isang checkpoint sa Sitio Oyango, Brgy Aquino, Bulan, Sorsogon.

Sa ulat, rumesponde umano ang Bulan MPS sa isang flash alarm na pinalabas ng Casiguran Police tungkol sa ninakaw na motorsiklo na pag-aari ng isang tricycle driver sa Brgy Boton ng nasabing bayan.

Sa ikinasang checkpoint, nasakote ang dalawang suspek na lulan sa nasabing ninakawa na motorsiklo.

Agad na tinurn-over ang mga ito sa Bulan-MSWDO at hinihintay na lang ng Pulisya ang ibababang resulta ng ‘discernment’ bago ang mga ito sampahan ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *