Legazpi City Mayor, ipinaliwanag ang tungkol sa naging agreement sa pagitan ng LGU at Phil. Coast Guard

Nagbigay-paliwanag si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal tungkol sa naging agreement ng lokal na pamahalaan ng nasabing lunsod at ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa umano’y planong paglagay ng PCG ng istasyon sa lunsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa alkalde, sinabi niyang ang lote na pag-aari ng LGU ay ipapagamit sa PCG at sila umano ang maglalagay o magtatayo ng gusali upang magkaroon ng istasyon.

Ayon sa alkalde, nakahanda na raw umano ang nasabing lote na nasa may bahagi ng City Engineering Office sa Brgy. Dapdap ng kaparehong lunsod.

Aniya, mahalaga na magkaroon ng istasyon sa lunsod dahil karamihan ng mga barangay ay coastal at madali na lamang ang pagtap sa PCG sa oras na may mga kinakailangang respondehan.

Dagdag naman ng opisyal, ang kasunduang pinirmahan ay tungkol lamang sa loteng pagtatayuan, at ang budget naman para as pagtatayo ng gusali ng istasyon ay naihanda na rin ng PCG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *