2 estudyante sa Partido Area, silver and bronze medalist sa World International Mathematical Olympiad Finals 2023

CAMARINES SUR – Muling nag-uwi ng karangalan sa bansa ang dalawang elementary student ng Goa Central School sa Partido Area na sina Jake Aedan Iglesia at Liam Andre Delos Santos sa katatapos pa lamang na World International Mathematical Olympiad (WIMO) Finals 2023 sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Enero 6-7, 2024.

Ang dalawa ay kabilang sa 97 na delegado ng Pilipinas para sa nasabing kompetisyon, kung saan nasungkit ni Delos Santos ang Silver Medal para sa Primary 4 Category at ni Iglesia naman ang Bronze Medal para sa Primary 5 Category.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga, ibinahagi ng labing isang taong gulang na si Jake, ang kaniyang naging puspusang paghahanda sa nasabing kompetisyon. Binigyang-diin niya rin ang pagpapahalaga sa asignaturang ito hindi lamang bilang isang kasangkapan pang-akademiko kun’di pati na sa malaking ambag nito sa pang-araw-araw na gawain. Mensahe niya sa kapwa estudyante, mag-aral nang mabuti at huwag matakot sumubok lalo na sa Math.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *