2 kaso ng COVID-19, naitala sa Albay

LEGAZPI CITY – Naitala sa lalawigan ng Albay ang dalawang kaso ng COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.

Ayon sa ahensya, ang mga kaso ay parehong naitala sa bayan ng Bacacay.

Matatandaan, kahapon, isang kaso ang naitala sa bayan ng Pio Duran.

Wala namang naiulat na panibagong gumaling o kaso ng pagkasawi dahil sa nasabing sakit.

Samantala, tatlong kaso ng kaparehong sakit ang naitala sa Camarines Norte partikular sa Daet, habang dalawa naman ang sa Aroroy, Masbate.

Sa ngayon, nasa kabuuang bilang na 1,557 na aktibong kaso na ang naitatala ng ahensya sa buong rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *