LGU Lupi, naglilikom na ng tulong para sa mga evacuees sa Albay

CAMARINES SUR- Lumilikom ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Lupi, Camarines Sur para sa mga pamilyang nasa evacuation centers dahil sa patuloy na pag-alburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Sinabi ni Mayor Gagay Matamorosa na hinihikayat niya ang mga opisina , mga civic organization at mga residente na tumulong sa pamamagitan  ng mga donasyon tulad ng bigas, noodles pati used clothing, beddings, towels at iba pang non -food items.

Dalhin lamang sa Municipal Agriculture Office o sa Municipal Disaster Risk Reduction Office.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Garry Cruz, kahapon may mga dumanting nang used clothing, mas maganda aniya kung may magdodonate din ng hygiene kits.

Target ng MDRRM na madala ang tulong sa susunod na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *