2-katao, timbog sa anti-illegal fishing operation sa bayan ng Vinzons

CAMARINES NORTE- Nahuli ang 2-katao na iligal na nangingisda sa Territorial Seawater ng Brgy. Banocboc, Angalan Island, Vinzons sa isinagawang anti-illegal fishing operation ng mga tauhan ng Vinzons MPS katuwang ang mga tauhan ng Governor’s Special Action Group

Ang mga nasabing suspek ay kinilalang sina alyas MIKE, 49 anyos, at alyas Roy, 48 anyos, pawang mga mangingisda at residente ng naturang lugar

Ayon sa ulat, habang ang mga nabanggit na otoridad ay nagsasagawa ng Anti-Illegal Fishing Operation sa nabanggit na lugar ay naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa ng illegal fishing activity gamit ang isang compressor.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang Isang compressor, Isang piraso ng compressor tank at Isang set ng hose na tinatayang 30 metro ang haba.

Samantala, ang mga naarestong personahe ay nasa kostudiya na ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay PMAJ Arkhemedes C Garcia ipagpapatuloy at mas paiigtingin pa ng kapulisan ng Vinzons  ang mga operasyon patungkol sa iligal na pangingisda para maprotektahan ang yamang dagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *