2 menor de edad na suspek sa pagpatay sa LGBT, arestado

Arestado ang 2 suspek sa pagpatay sa isang miembro ng LBGT sa Zampen Urban Poor Zone 3, Brgy. Boalan sa Zamboanga City linggo ng madaling araw.

Umamin umano sa mga awtoridad ang 2 lalaki na dawit sa pagpatay sa biktimang si Arnel Fabian y Hebron,38 taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Natagpuan nitong linggo, Enero 30 ang bangkay ng 38 taong gulang na biktima na duguan at wala nang buhay matapos na pagsasaksakin ng 11 beses sa loob ng kwarto na kanyang tinuluyan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa salaysay ng Police Station 5 Divisoria posibleng masampahan ng kasong robbery at homicide  ang dalawa bagamat pawang menor de edad ay pansamantalang dadalhin sa CICL o Child In-Conflict with the Law.

Narekober sa insidente ang isang kutsilyo ngunit magpa hanggang ngayon ay hindi parin narerecober ang cellphone ng biktima.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga suspek, hindi planado ang nangyari at nadamay lang umano siya at hindi niya lubos maisip na magiging kasabwat siya sa naging krimen na gagawin ng kanyang kaibigan.

Nakiramay naman ang lahat ng miembro ng LGBT pati narin ang mga malalapit na kaibigan  at nanawagan sa mga awtoridad na imbestigahan at bigyan ng hustisya ang pagpaslang sa naturang biktima. Guen Delos Santos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *