2 umano’y NPA patay sa engkwentro sa Sagñay Camarines Sur

NAGA CITY- Dalawang hinihinalang miyembro ng New Peoples Army ang nasawi sa engkwentro sa Sagñay, Camarines Sur.

Nangyari ang bakbakan bandang alas 10:45 Lunes ng umaga sa Barangay Bongalon. Umabot sa halos 30 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at tinatayang 20 na mga rebelde.

Narekober 12 ang mga matataas na kalibre ng armas sa pinangyarihan. Naniniwala ang tropa ng 83rd IB na may mga nasugatan pang iba sa kabilang panig.

Ayon kay MGen Henry  Robinson Jr, Commander of Joint Task Force (JTF) Bicolandia

“Paubos na ang mga miyembro nila at paubos na rin ang kanilang mga armas. Maliban sa mga nasasamsam natin sa ganitong mga operasyon, napakarami na rin nating nakukuhang mga arms cache at marami ring isinusuko ang mga nagbabalik-loob na mga dati nilang miyembro. The CTG is now crumbling into tiny pieces and this terrorist group will soon perish. Pero kilala natin sila, tiyak na gagawa at gagawa sila ng mga desperate attacks and retaliations just like what they did in Masbate. Sapilitan nilang nirecruit ang mga menor de edad para lamang may mga maidagdag sila sa kanilang hanay. They recklessly violated the law and the rights of the children. Kaya mas paiigtingin natin ang seguridad na inilalatag natin dito sa Bicol para hindi na uli sila makapaminsala ng inosenteng buhay”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *